Language Services
Flushing Hospital Medical Center


Mga Serbisyong Tulong sa Lengguwahe

Pinaglilingkuran ng Flushing Hospital Medical Center ang sari-saring komunidad at ipinagmamalaki naming makapag-alok ng iba’t ibang mga serbisyong tulong sa lengguwahe sa aming mga pasyente at kanilang pamilya na hindi nakapagsasalita ng Ingles at Limitado ang Kakayahan sa Ingles (LEP). Upang matulungan ang aming komunidad at tanggalin ang mga balakid dulot ng lengguwahe at kultura, iniaalok ng ospital ang mga sumusunod na serbisyo:

  • Mga pananda at form. May mga pananda ang Flushing Hospital sa iba’t ibang lengguwahe na nakapaskil sa buong pangunahing palapag ng campus. Nakatanghal sa buong ospital ang mga panandang nagsasaad ng Mga Karapatan ng Pasyente pati na mga pabatid tungkol sa mga serbisyo sa pagsasalin sa kanilang mga pangunahing lengguwahe. Ibinibigay din sa aming mga pasyenteng hindi nakapagsasalita ng Ingles ang iba’t ibang mahahalagang form, dokumento, at iba pang materyales sa kanilang pangunahing lengguwahe.
  • Mga Medikal na Tagasalin dito Mismo sa Ospital. Ang Flushing Hospital ay may mahigit 200 mga medikal na tagasalin dito mismo sa ospital, sa iba’t ibang mga lengguwahe. Ang mga tagasalin ay napatunayan na at ipinasya ng NYU School of Medicine na kwalipikado o lumaking nakapagsasalita ng kanilang tubong lengguwahe na may medikal na karanasan sa isang banyagang bansa.
  • Serbisyong Pagsasalin sa Telepono. Kung walang maaaring kwalipikadong medikal na tagasalin, magagamit ng mga empleyado ang serbisyo ng ospital na pagsasalin sa telepono. Ang serbisyong ito, na bukas 24 oras sa maghapon, ay nagbibigay-daan sa mga empleyado na ma-access nila ang mga medikal na tagasalin para sa mahigit 180 lengguwahe.
  • Aklat na Madudulugan tungkol sa Lengguwahe. Binubuo ng mga patakaran at pamamaraan sa komunikasyon, isang listahan ng lahat ng mga kwalipikadong medikal at di-medikal na tagasalin sa ospital, mga gamit para sa mga may diperensiya sa pandinig at pagsasalita, at mas marami pa, ang mga aklat na ito ay magagamit ng lahat ng tauhan at mga departamento sa lahat ng oras.

Ang aming mga serbisyo sa pagsasalin ay magagamit nang walang bayad, 24 oras sa maghapon. Dagdag pa sa mga serbisyong ito, nag-aral at nagsanay ang mga empleyado ng Flushing Hospital sa mga patakaran at pamamaraan sa tulong sa lengguwahe at kahusayang pang-kultura. Binibigyan din ang lahat ng empleyado ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksang may kinalaman sa tulong sa lengguwahe, kabilang: ang epekto ng mga balakid dulot ng lengguwahe sa pangangalaga sa pasyente, paghingi ng tagasalin, mga problemang kaugnay sa paggamit sa mga miyembro ng pamilya bilang mga tagasalin, at kahusayang pang-kultura, maliban pa sa iba.

Upang makipag-ugnayan sa Departamento ng Flushing Hospital para sa Tulong sa Lengguwahe, pakitawagan ang Tagapangasiwa sa 718-206-8671, o ang Koordineytor sa 718-670-8776.

© 2001 Flushing Hospital Medical Center - MediSys